Hindi lahat ng mga bayani ay may taglay na kapangyarihan ang
iba nagiging bayani dahil sa kanilang katapangan yung iba dahil sa pagtulong sa
mga tao. Para sa aming mag-aaral ang tinuturing naming mga bayani at pangalawang magulang narin ay ang aming mga guro dahil sila ang gumagabay sa tulad naming mga mag-aaral
na mag-aral ng mabuti at sila din ang isa sa dahilan kung bakit marami ang mga
mag-aaral na nakapagtapos at nakakapaghanap
ng magandang trabaho. Isa sa dahlan kung bakit
humahanga ako sa mga guro ay dahil kahit alam na nilang mababa ang
sweldo ng pagiging guro mas pilini parin nila na magturo dahil hindi pera ang
habol nila kundi ang magturo,magpasaya, at tumulong sa mga bata.
Kaya taon-taon nating ipinagdidiriwang ang araw ng mga guro
upang mapasalamatan sila sa kanilang ginawang pagsasakripisyo para sa tulad
kung mag-aaral. marami sa mga mag-aaral
ang gumawa ng kanilang sulat at ang iba naman ay bumili ng mga regalo para
sa kanilang mga pinakamamahal na mga guro. Sa pagdidiriwang ng Araw ng mga guro
palagi itong may tema at sa taon ngayon ang tema ay “Gurong Pilipino: Turo mo
kinabukasan ko” sinasabi dito na ang mga guro ang siyang daan natin para sa magandang
kinabukasan natin. Laking pasasalamat po naming lahat dahil kahit na sila ay
napapagod at nahihirapan na gusto parin nilang magturo alang-ala sa aming mga
mag-aaral.
No comments:
Post a Comment